.

Text Messages 151-180

  • Sabi ko noon di na ko masasaktan, sabi ko kakalimutan na kita, sabi ko di na kita mamahalin pa, na kaya kong gawin lahat yon. Kaso, bigla mo na lang sinabi...mahal kita, mahal mo pa rin ba ako?
  • Sabi nila mahal mo din ako, kayahinanap kita, yun pala may hinahanap kang iba, nung nagmakaawa ako, nagalit ka pa...haayyy, minsan na nga lang magmahal, pumapalpak pa...sorry ha, mahal kasi kita eh
  • isipin mo na lang, parehas tayong umiyak, parehas tayong nasaktan, at parehas tayong nahirapan. pero bakit ganon? sa huli, sino lang yung natira? ako lang di ba?
  • Sabi nila "iwanan mo na". sabi ko "ayoko". sabi nila "okay pa?" sabi ko "ayos lang". then tinanong nila ko isang araw "kaya mo pa ba?" napaluha ako habang sinasabi, "mahal ko eh, kaya kakayanin ko".
  • minahal kita noon pero pinabayaan mo. minahal kita ngayon pero binalewala mo, ngayon minahal mo ako, pinakawalan ko, bakit ngayon mo pa ako minahal, ngayong may mahal na akong iba?
  • sabi nila kung mahal mo daw ang isang tao, pakawalan mo. sabi naman ng iba kung mahal mo ang isang tao, mahalin mo ng lubos. pero di ba mas mahal mo ang isang tao kung...pasayahin mo siya sa piling ng taong mahal niya?
  • masakit sa kalooban ang lokoihn ka, ang paasahin ka, ang pagtaksilan ka, pero mas masakit sa kalooban ang...gamitin ka lang niya.
  • Sabi nila tanga ko daw kasi hinihintay pa rin kita, kasi okay lang sa akin kahit nandiyan siya, kasi wala naman akong magagawa para malaman mo na mahal kita. paano pag naging tayo? eh di masaya....isang manhid at isang tanga.
  • Alam mo miss na kita, kaso siya naman miss mo! lam mo mahal kita, kaso siya rin mahal mo! Siya na lang lagi! Kahit nasasaktan ka niya okay lang kasi mahal mo siya! Ang tanga mo no, parang ako!
  • If I only have one hour left to live and I'm with you that day...I'll lay my head unto your shoulders as I feel the breeze touch my skin and say " pasandal lang po muna ha? matagal po akong mawawala eh."
  • Kung mahal mo raw, ipaglaban mo. totoo ba yon? paano kung hindi ka niya mahal? anong ipaglalaban mo? isang pag-ibig na ikaw lang ang nakakadama? mahirap yata yon ah!!! kaya mo ba? pero pag mahal mo talaga, kakayanin mo di ba?
  • Sana pag nakita mo na yung taong mahal mo, huwag kang magpakatanga, wag kang magpakamartir, wag kang magpakagago...ayokong makitang nahihirapan ka...tignan mo nangyari sa akin nung minahal kita....
  • Sabi nila, kapag mahal mo, lahat ibibigay mo...lahat gagawin mo...pero paano na lang kung hilingin niya na maghiwalay kayo...ibibigay mo ba kahit mahal mo pa siya?
  • Paano mo malalaman kung mahal ka niya? Simple lang....tumalon ka tapos sigaw mong mahal mo siya, pero kung di ka niya sasaluhin, wag kang mag-alala, ano ba'ng silbi ko? di ba tagasalo pag wala siya?
  • Sabi mo mahal mo ko...sabi mo di mo ko iiwan..sabi mo hihintayin mo ko. Saglit lang akong nawala iba na kasama mo. andaya talaga...dahil ba sa mahal mo lang ako pag wala siya?
  • Ask ko si God, sabi ko "Bakit mo siya kinuha sa kin? binigay ko naman lahat?" Sabi niya "Di ka kasi nagtira para sa'yo" sabi ko, "Ganito po kasi ako magmahal." sabi niya, "Kaya pala lahat kinalimutan mo pati ako"
  • Sana akin ka para di ka iiyak. sana akin ka para di ka na masasaktan. sana akin ka para di ka na aasa pa. ngunit ang talagang nais ko'y Sana ako siya na minahal mo ng sobra sobra.
  • Minsan ang layo ng tingin mo. Sino ba'ng hinahanap mo? yun tao bang magmamahal sayo? yan ang hirap sayo eh! ang layo lagi ng tingin mo, ang tagal ko na dito...di ba pwedeng sa kin ka naman tumingin?
  • Iniwan kita di dahil ayoko na sayo. tinalikuran kita di dahil galit ako sayo, lumayo ako di dahil ayaw na kitang makita, umalis lang ako kasi ayaw ko nang umiyak habang nakikita kang masaya...sa piling niya.
  • Muntik ko nang ipagtapat sayo ang nararamdaman ko nung magkasama tayo...muntik ko na sabihin na mahal kita...pero nung sasabihin ko na...napatigil ako dahil bigla mong sinabi...."lam mo mahal ko pa siya".
  • Mahal kita, mahal mo siya. Siya naman di ka kayang mahalin katulad ng pagmamahal ko sayo...tanga ka at siya naman, manhid....parang tayong dalawa...yun nga lang...ako yung tanga at ikaw naman yung manhid.
  • Ano ba 'to? ikaw na naman iniisip ko. Kaya ang hirap makatulog sa gabi eh, di kita makalimutan. Pero nakatulog din ako, alam mo kung paano? Sinabi ko sa sarili ko "Tanga, may mahal na yon...tulog ka na."
  • Mahirap umasa sa wala. Mahirap magmahal sa taong may ibang mahal. Mahirap ipagtanggol ang taong walang paki sa nararamdaman mo...at higit sa lahat, mahirap masaktan ng wala kang karapatan.
  • Sabi mo mahal mo ko, naniwala ako. Sabi mo hanggang katapusan tayo, umasa naman ako. Sabi mo di mo ako sasaktan, at nagtiwala ako sayo. pero bakit ganito, iniwan mo ako at niloko. pero okay lang, may magagawa pa ba ako? siguro lang talagang di ako para sayo.
  • Bakit ganito ang nararamdaman ko, sabi ko okay lang, kahit wala ka, kaya ko. sabi ko tigilan mo na ko dahil kaya kong wala ka. sabi ko walang kwenta sa kin ang nangyari sa tin...pero bakit ang sakit sakit ng nararamdaman ng puso kong nangungulila dahil sayo...bakit mahal pa rin kita?
  • I can't blame you if one day you'll walk out of my life but expect me to give up everything just to keep you in sight but if i fall, give me a chance to say, "Gagawin ko lahat, wag ka lang umalis"
  • Lahat ng tao nagbabago, lahat ng tao nagmamahal ng iba, lahat tayo masasaktan...iiwanan at kakalimutan...pero pag dumating sa kin ang araw na yon...pipilitin ko pa rin maalala yung araw na minahal mo ko.
  • Sabi mo di ka nanghihinayang na nawala siya sa'yo...o nagsisisi na iniwan ka niya, sa totoo lang, hindi ako naniniwala, dahil nakatulog ka'ng lumuluha sa tabi ko, habang pabulong kong sinasabi, "ako kaya iiyakan mo?"
  • when i first met you, i've said to myself "la lang 'to". but as time pass by and we became very close and trusted each other. I said to myself "kaw ang barkadang pangmatagalan".
  • This night, I wish you might take a look at the stars above you. One of them shall slowly fade and still you might never know…”sa milyong bituing nakikita mo, ano nga naman sa’yo kung mawala ako.
.